^

Police Metro

Telcos itinodo na ang gastos sa network upgrade sa 2021

Pang-masa
Telcos itinodo na ang gastos sa network upgrade sa 2021
Ayon sa NTC, parehong naglaan ng mataas na capital expenditures ang Globe Telecoms na P90 bilyon at Smart Communications ay P92 bil­yon na siyang pinakamataas na annual capital expenditure sa nakalipas na anim na taon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaasahan ng National Telecommunications Commission (NTC) na magiging puspusan ang pagpapataas sa kalidad ng kanilang mga pasilidad ng dalawang umiiral na telcos sa bansa sa buong 2021.

Ayon sa NTC, parehong naglaan ng mataas na capital expenditures ang Globe Telecoms na P90 bilyon at Smart Communications ay  P92 bil­yon na siyang pinakamataas na annual capital expenditure sa nakalipas na anim na taon.

Sinabi ng NTC na simula nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mabilis na proseso para sa pag-iisyu ng permit sa pagtatayo ng cell site tumaas din ang bilang ng naitayong tower.

Simula noong Hulyo 2020, ang average monthly increase sa construction permits na nai-isyu para sa Globe ay umabot sa halos 600% at ang Smart naman ay halos 200%.

Target ng Smart na maliban sa local competition ay makipagsabayan din sa bansang Thailand at Vietnam.

Naitaas din ng Smart ang bilang ng base stations nito sa hanggang 58,000 ngayong taon na mas mataas ng 20 percent kumpara noong 2019.

Ang fiber infrastructure ng PLDT ay maituturing na “most extensive” sa bansa na umabot na sa mahigit 422,000 kilometers ang haba na sakop ang 96 percent ng populasyon at 95 percent ng mga lungsod at munisipyo.

vuukle comment

NTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with