^

Police Metro

Car dealers, retailers magtatanim ng 10 puno

Malou Escudero - Pang-masa

Sa kada isang sasakyan na mabebenta

MANILA, Philippines — Maging ang mga car dealers at retailers ay magtatanim na rin ng mga punongkahoy sa twuing may maibebenta silang sasakyan kapag naisabatas na ang isang panukala ni Senator Lito Lapid.

Sa Senate Bill 1936 na inihain ni Lapid, nais nitong gawing mandatory ang pagtatanim ng 10 punong kahoy sa bawat mabebentang sasakyan ang mga car dealers at retailers. Ang tree planting ay dapat maisagawa sa loob ng anin na buwan buhat sa sales transaction o maibigay ang official receipt sa buyer ng sasakyan.

Ipinaliwanag ni Lapid na nakasaad sa Konstitusyon na katungkulan ng estado na protektahan at isulong ang karapatan ng mga mamamayan na magkaroon ng balanse at malusog na ekolohiya.

Ipinunto rin ni Lapid na sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo katulad ng Quinta, Rolly at Ulysses, napatunayan ang kahala­gahan ng pangangalaga sa kalikasan tulad ng mga punongkahoy na panlaban sa matinding pagbaha.

Kapag naging batas, ang Department of Trade and Industry ang aatasan na magmonitor na nasusunod ang pagtatanim ng mga punong kahoy habang  ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tutukoy ng lokasyon at kung anong klase ng puno ang dapat itanim.

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with