^

Police Metro

Kamara wala pang imbestigasyon sa leftist solons

Joy Cantos - Pang-masa
Kamara wala pang imbestigasyon sa leftist solons
Ayon kay Hands Off Our Children Founder Gemma Labsan na diskumpiyado sila kay House Speaker Lord Allan Velasco dahil sa umpisa pa lamang ay nakikita na ang pagi­ging bias nito sa isyu ng Makabayan Bloc.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Inakusahan ng iba’t ibang anti-communist groups at civil society organizations ang liderato ng Kamara sa umano’y lantaran nitong pagpanig sa mga kalaban ng administrasyong Duterte na nagbibingihan sa pa­nawagan na imbestigahan ang Makabayan Bloc sa koneksyon nito sa CPP-NPA.

Ayon kay Hands Off Our Children Founder Gemma Labsan na diskumpiyado sila kay House Speaker Lord Allan Velasco dahil sa umpisa pa lamang ay nakikita na ang pagi­ging bias nito sa isyu ng Makabayan Bloc.

“Kung neutral si Velasco dapat pareho side ang pakinggan nya, yun ang neutrality. Hindi natin maalis na maging diskumpiyado kasi nakikita natin sino ang mga against. Makikita natin ngayon sino mga naglilingkod sa bayan o may ibang pinaglilingkuran o para sa kanilang interes. Dapat ang pakinggan ng Kamara ay yung nakararami,” giit ni Labsan.

Aniya, sa kabila ng ipinapakitang bias ni Velasco ay hindi pa rin sila titigil sa pagkalampag dito hanggang sa umaksyon at gampanan ang kanyang tungkulin sa bayan.

Ayon sa League of Parents of the Philippines (LPP), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Hands Off Our Children (HOC) at grupong Yakap ng mga Magulang at iba pang mga Non-Government Organization(NGO) ay ipupursige nila na magkaroon ng pagdinig ang Kamara sa Makabayan Bloc.

Idinagdag pa ng mga grupo na kung hindi aaksyon si Velasco ay hindi malalantad ang katotohanan laban sa kung ano ang ginagawa ng Makabayan Bloc sa Kongreso.

vuukle comment

KAMARA

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with