^

Police Metro

ACT-CIS tuloy ang pag-ayuda sa mga biktima ng bagyo at baha

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang pagpapadala ng ayuda ng ACT-CIS Partylist sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo sa Bicol, Quezon, at Marikina at pagbaha naman sa Isabela at Cagayan.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, umaabot na sa P15 milyon ang naihatid na mga relief at ihahatid pa sa mga biktima ng magkakasunod na kalamidad sa Luzon kamakailan.

“Problema po ng mga biktima ay kung papaano mag-uumpisa dahil wasak ang kanilang tirahan o inanod ng baha ang kanilang gamit.”

Ayon pa sa mambabatas, si ACT-CIS 2nd Cong. Jocelyn Tulfo at asawa nitong si Raffy Tulfo ang nakatoka na magpadala ng ayuda sa Isabela at Caga­yan na umabot sa higit P5 milyon. Habang hinatiran ni ACT-CIS Cong. Nina Taduran ng tulong ang mga kababayan sa Bicol Region.

Habang daan-daang sako ng mga bigas, delata at bulto-bulto ng mga used clothing ang ipinamahagi ni Cong. Yap sa Marikina. “Hindi pa po kami tapos tumulong. Narito lang po kami at pwede ninyong lapitan anumang oras,” pahabol ni Yap.

vuukle comment

ACT-CIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with