^

Police Metro

Lady cops itatalaga ni Sinas sa mga key position sa PNP

Doris Franche - Pang-masa
Lady cops itatalaga ni Sinas sa mga key position sa PNP
Sinabi ni Sinas na dapat ay nabibigyan ng pantay na pagkakataon sa paghawak ng posisyon at responsibilidad ang mga policewomen dahil sa kasalukuyan ay ang mga lalaking pulis ang nabibigyan ng pagkakataon sa promotion at key position.
Freeman/Facebook

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police chief General Debold Sinas na hindi siya magdadalawang isip na italaga ang mga babaeng  pulis sa mga key positions tulad ng regional at district directors kung karapat dapat at kuwalipikado ang mga ito.

Sinabi ni Sinas na dapat ay nabibigyan ng pantay na pagkakataon sa paghawak ng posisyon at responsibilidad ang mga policewomen dahil sa kasalukuyan ay ang mga lalaking pulis ang nabibigyan ng pagkakataon sa promotion at key position.

Anya, panahon na rin ito ng PNP na ipakita ang tiwala sa kakayahan ng mga babaeng pulis tulad sa kakayahan ng mga lalaking pulis.

Matatandaang Oktubre nang italaga ni Sinas si Col. Angela Rejano bilang bagong chief of police ng Malabon City Police na dating hepe ng NCRPO Regional Plans and Strategy Management Division.

 Si Rejano din ang kauna-unahang babaeng chief of police ng Sorsogon City at provincial director sa Siquijor.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with