^

Police Metro

DOLE naglaan ng 10K emergency jobs sa mga taga-Isabela at Cagayan

Danilo Garcia - Pang-masa
DOLE naglaan ng 10K emergency jobs sa mga taga-Isabela at Cagayan
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na binigyan na nilang otoridad ang mga pamahalaang panlalawigan ng Isabela at Cagayan na tumanggap ng mga manggagawa sa ilalim ng TUPAD.
AFP/Philippine Coast Guard/Handout

MANILA, Philippines — Sa ilalim ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) program ay naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 10,000 trabaho para sa mga residente ng lalawigan ng Isabela at Cagayan na naapektuhan ng matinding baha dulot ng bagyong Ulysses.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na binigyan na nilang otoridad ang mga pamahalaang panlalawigan ng Isabela at Cagayan na tumanggap ng mga manggagawa sa ilalim ng TUPAD.

“Doon naman sa TUPAD, ito ‘yung emergency employment program, binigyan po namin ng authority si Governor Mamba na mag-hire ng 5,000 tao para maglinis at mag-ayos sa lalawigan ng Cagayan,” ayon kay Bello.

Pangunahing gagawin ng mga makukuha sa TUPAD ay ang paglilinis sa mga apektadong lugar sa mga tambak na putik, nasirang mga imprastraktura at mga nagkalat na debris.

vuukle comment

DOLE

TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with