^

Police Metro

Liderato ng Kamara hinamon na maglabas din ng SALN

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinamon din ni Act Teachers Partylist Rep. France Castro ang mga kapwa mambabatas sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco, House Majoriy Leader Martin Romualdez at iba pang mga matataas na opisyal ng Kamara na ilantad din ang kanilang mga assets alinsunod sa itinatakda sa Republic Act 6713 o An Act Establishing a Code of Conduct and Ethical Standards for public officials and employees.

Anya, dapat ang mga nasa public service ay may transparency at accountability at ang paglalantad ng kanilang SALN ang isa sa mainam na hakbang para ipakitang wala silang itinatago.

Matatandaan na 5 Makabayan bloc members ng Kamara ang naglabas na ng kanilang SALN kabilang dito sina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, and Eufemia Cullamat; ACT Teachers Rep. France Castro at Kabataan Rep. Sarah Elago.

Isa pa sa nais masilip sa mga SALN ay pagkakaroon ng conflict of interest ng mga government officials sa hindi nito pagdedeklara ng mga ari-arian at mga shares of stock sa mga negosyo.

Isa na sa naging matunog sa isyu ay si House Speaker Velasco na naiulat na may shares sa dalawang malaking kumpanya at nasa top 100 stockholders kahit isa na siyang Kongresista.

Ang pagpapalabas ng SALN ng Makabayan Bloc members ay sa harap na rin ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang buong gobyerno sa katiwalian, bilang tugon sa hamon ay nauna na ang mga mambabatas sa pagpapakita ng kanilang transparency.

vuukle comment

SALN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with