^

Police Metro

Sekyu nambu-bully ng kabaro, dinedo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Sekyu nambu-bully ng kabaro, dinedo
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay nakilalang si Steven Morales, security guard sa RAN PMC Compound at residente ng No. 27 St. Anthony Phase-2 A, Antipolo City, Rizal.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tinapos na ng isang sekyu ang pambu-bully sa kanya ng kabaro nang ito ay barilin niya kamakalawa ng gabi sa loob ng isang bodega ng bigas sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay nakilalang si Steven Morales, security guard sa RAN PMC Compound at residente ng No. 27 St. Anthony Phase-2 A, Antipolo City, Rizal.

Arestado naman ang suspek na si Lemuel John Estriba, 29, ng Barangay Camangyanan, Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat bago naganap ang krimen, alas-7:10 ng gabi sa loob ng nasabing compound sa No. 1613 A. Rivera St., kanto ng Mayhaligue St., Tondo ay naka-duty ang suspek nang lapitan ng biktima at ilang ulit na sinabihan ng “Umayos ka malapit ka na sa akin!” hanggang sa bumalik na sa kaniyang assigned post  ang biktima.

Napikon at nagdilim ang isip ng suspek at siya naman ang nagtungo sa pwesto ng biktima at doon ay hindi na napigilan at pinaputukan ng ilang beses na dahilan upang bumagsak at isinugod sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Agad na naaresto ang suspek at sinabi na hindi na niya kinaya ang ginagawang pambu-bully ng biktima kaya’t pinatay na niya ito.

vuukle comment

BULLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with