Duterte ‘hands off’ sa iringan sa Kamara
MANILA, Philippines — Ayaw nang makialam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nangayayaring iringan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa isyu sa liderato.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ayaw magbigay ng komento ng Pangulo sa ginawang pagbibitiw sa puwesto ni Speaker Alan Peter Cayetano pero hindi natuloy matapos magbotohan.
“Stay out tayo d’yan. No comment tayo d’yan. That’s purely internal matter of the House of Representatives,” ani Duterte kay Roque.
Nauna rito, tumanggi rin si Roque na magsalita sa nangyaring botohan na naging daan upang manatili sa puwesto si Cayetano.
Pero iginiit ni Roque na hindi maling sabihin na ang mga mambabatas ang dapat maghalal ng kanilang lider.
“Parang hindi ako dapat magsalita dahil hindi po ako spokesperson sa mga bagay na ‘yan,” dagdag ni Roque.
- Latest