^

Police Metro

Rep. Romero nakapaghain ng 700 panukalang batas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakapaghain ng mahigit 700 panukalang batas mula nang ito ay maupo bilang Kongregista si House Deputy Speaker at 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero.

Ang 47 sa panukala nito ay ganap ng batas tulad ng ekstensyon ng driver’s license ng limang taon, ang Free Irrigation Act, Philippine Sports Training Act at ang mandatory PhilHealth coverage para sa lahat ng mga kapansanan.

Si Romero din ang isa sa principal ng Bayanihan to Heal as One and Two Act na siya ngayong nagiging malaking tulong sa bansa at sa mamamayan.

Bukod sa pinamamalas na sipag at talino ng mambabatas, na nananatiling pinakamayamang Kongregista sa bansa mula 2016 hanggang sa kasalukuyan  ay patuloy ito na nagbibigay ng malaking tulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng iba’t ibang program tulad ng “Iskolar Kami ni Cong. Mikee Romero” program kung saan libu-libo ang natulungang makapag-aral.

Ang mambatas ay naging malaki rin ang partisipasyon sa larangan ng pampalakasan lalo pa at ito ang naging team captain na nakasungkit ng medalya sa nakaraang Southeast Asian Games.

vuukle comment

MIKEE ROMERO

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with