^

Police Metro

Pagbibitiw sa puwesto ni Duque, hindi napapanahon – Pangulong Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
Pagbibitiw sa puwesto ni Duque, hindi napapanahon � Pangulong Duterte
“By the way, Secretary Francisco Duque, this is not the time for you to resign. Hindi pa panahon mag-resign,” pahayag ni Duterte sa meeting kasama si Roque kamakalawa ng gabi.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga kinakaharap na kontro­bersiya ay mismong si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang tumiyak na hindi pa panahon para magbitiw sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque.

“By the way, Secretary Duque, this is not the time for you to resign. Hindi pa panahon mag-resign,” pahayag ni Duterte sa meeting kasama si Roque kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Pangulo, buo ang tiwala niya kay Duque at sa tingin nito ay hindi ito kasama sa korapsyon.

“I have heard stories about you going to resign. I have full trust in you. Ang akin lang naman diyan ‘yung corruption. Eh wala ka doon sa ano --- tinignan namin ‘yung papel,” ani Duterte.

Ipinahiwatig ng Pa­ngulo na posibleng nagkaroon ng negligence sa panig ni Duque, pero agad ring ipinunto ang laki ng organisasyon na hinahawakan nito.

Idinagdag ng Pangulo na nagkakaroon din ng pagkakataon na nawawala ang papel kaya puwedeng akusahan ng kapabayaan at kung hindi naman corrupt si Duque ay walang dahilan para magbitiw ito.

Inamin naman ni Duque na hindi niya matanggap sa dibdib ang ginagawang pagdadawit sa kanya sa korapsiyon na nagiging dahilan kung bakit hindi na siya nakakatulog.

Inamin din ni Duque na nadidismaya na siya dahil ang mga pumirma sa iniimbestigahang isyu sa Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) ang hindi nakasama sa mga inirekomendang kasuhan ng Senado.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with