^

Police Metro

Pagkain at pamasahe ng volunteers sa COVID-19 vaccine trials, babayaran

Malou Escudero - Pang-masa
Pagkain at pamasahe ng volunteers sa COVID-19 vaccine trials, babayaran
Ayon pa kay de la Peña, ang gastos ng World Health Organization solidarity trial ay sasagutin ng DOST samantalang ang mga hindi naman kasama sa WHO ay sasagutin ng mga producer o developer ng vaccine.
Unsplash stock

MANILA, Philippines — Isasama sa bayad ng mga magbo-boluntaryo para sa COVID-19 vaccines ang pagkain at pamasahe nila sa araw na sila lalahok sa clinical trials.

Nilinaw ni Secretary Fortunato de la Peña ng Department of Science and Technology, na babayaran ang mga magbo-boluntaryo dahil sila ay mawawalan ng kita sa mga araw na sila ay maaabala.

Hindi aniya dapat ituring na suweldo ang matatanggap ng mga magboboluntaryo kundi kapalit sa mawawala nilang kita kung saan isasama na rin ang bayad sa mapasahe at pagkain.

Sinabi pa ni de la Peña na iniiwasan nila na may mag alok ng mas mala­king bayad sa mga magbo-boluntaryo kaya gagawin itong  pare-pareho.

Nauna rito, inanunsiyo ng Inter-Agency Task Force (IATF)  for the Management of Emer­ging Infectious Diseases na dapat ay magkaroon ng “standard rate” sa bayad ng mga sasali sa vaccine trials.

Ayon pa kay de la Peña, ang gastos ng World Health Organization solidarity trial ay sasagutin ng DOST samantalang ang mga hindi naman kasama sa WHO ay sasagutin ng mga producer o developer ng vaccine.
Ang cilinical trials sa ilalim ng WHO at gagawin sa Philippine Ge­neral Hospital, RITM at Manila Doctors.

vuukle comment

COVID-19

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with