Mga pasaway sa MGCQ areas babantayan ng mga tourist police
MANILA, Philippines — Matapos ianunsiyo ng Department of Tourism na bubuksan na ang mga tourist destination sa bansa sa mga lugar na sakop ng modified general community quarantine ay pinaghahanda at pinaaalerto ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang mga tourist police.
Ayon kay Gamboa, kinakailangang mabantayan ng mga pulis na tuloy tuloy na naipapatupad ang mga health protocols kahit pa pinapayagan na ang pamamasyal.
Ani Gamboa, maraming bakasyunista ang sabik na mamasyal kung kaya’t inaasahan ang dagsa ng mga turista.
Papaigtingin aniya ang pagpapagana ng Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection at Tourist Police Assistance Desks para mas maging epektibo ang mga health protocols ngayong nanatiling mataas ang banta ng COVID 19.
- Latest