^

Police Metro

Health workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 3,122

Danilo Garcia - Pang-masa
Health workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 3,122
Mayroon na lamang 854 active cases sa health wor­kers bagama’t hindi na sinabi ng ahensya kung ilan ang mild o severe cases.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health na tumaas pa sa 253 na kaso ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 sa mga health workers mula sa nakaraang linggo para umakyat ang datos sa 3,122.

Habang 396 naman ang mga nakarekober sa mga ito mula Hunyo 14 hanggang 20. Nananatili sa 33 ang bilang ng mga nasawi sa virus.

Isang linggo na mula nang itigil ng DOH ang pagsama ng datos sa health workers sa daily situationer report nito para sa CO­VID-19.

Binalik naman ng ahensya ang paglalabas ng ganitong impormasyon makaraang makiusap ang media na isama itong muli sa situationer.

Hunyo 13 ang huling datos na inilabas sa mga kaso ng health workers.

Nitong Linggo, inilabas ng DOH ang bagong breakdown hanggang Hunyo 20.

Mayroon na lamang 854 active cases sa health wor­kers bagama’t hindi na sinabi ng ahensya kung ilan ang mild o severe cases.

Sa mga tinamaan ng virus mula nang magsimula ang outbreak, 1,126 ang mga nurse, 811 ang mga doktor, 212 ang nursing assistants, 122 ang medical technologists, 62 ang radiologic technologists, 45 ang mga midwife, 33 ang respiratory therapists at 21 ang pharmacists.

Mayroon ding mga non-medical staff mula sa health units na kabilang dito. Ito ang 201 administrative staff, 94 utility staff, 49 dietary staff, 35 drivers, 29 barangay health workers, 19 security guards at 12 caregivers.

Related video:

vuukle comment

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with