^

Police Metro

Salceda:Tanggalin na ang ‘provincial bus ban’

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Salceda:Tanggalin na ang �provincial bus ban�
Ito ang naging panawagan ni House Ways and Means chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda at kasabay na nagbabala laban sa mga “mapagsamantalang gawain” ng ilang kasapi sa sektor ng transportasyon, lalo na sa sobrang taas ng singil sa pamasahe.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Upang higit na mabilis na makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakadapa dahil sa COVID-19 pandemic ay dapat nang tanggalin ang ‘provincial bus ban’.

Ito ang naging panawagan ni House Ways and Means chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda at kasabay na nagbabala laban sa mga “mapagsamantalang gawain” ng ilang kasapi sa sektor ng transportasyon, lalo na sa sobrang taas ng singil sa pamasahe.

“Basta panatilihin natin ang akmang mga pangkalusugang pamantayan, hayaan nating makakilos ang mga mamamayan.Dapat konsiderahin din ng makabuluhang ‘transport system’ na  kailangan ng mga pasahero”,wika ni Salceda.

Anya, ang pagpapanatili sa ‘provincial bus ban’ ay wala ng gaanong halaga sa pagkontra sa hawaan ng COVID at lalo lamang itong nagdadagdag pahirap sa mga taong kailangang makapagtrabaho.

“Krisis itong kaharap natin. Inaasahan kong ang mga lider sa pangangasiwa at negosyo sa transportas­yon ay gagawin ang mga nararapat upang mapagaan at hindi mapabigat ang sitwasyon para sa mga mamamayan. Alam kong may isyu sa pagtakda ng pamasahe dahil limitado laman ang dapat nilang isakay kaugnay sa kaila­ngang ‘social distancing’ na dapat lang na pag-usapan. Kailangan marahil ang tsang programa ng pamahalaan na titiyak namang hindi malulugi ang nga ‘bus operators.

vuukle comment

COVID-19

JOEY SARTE SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with