‘Free COVID swab test’ aprub na sa Kamara
Para sa seniors, buntis, frontliners atbp.
MANILA, Philippines — Inaasahang maraming makikinabang na mahihirap na Pilipino mula sa hanay ng mga senior citizen, buntis, frontliners gaya ng mga health workers at iba pa sa “free swab test” sa COVID-19 na isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito’y matapos aprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill (HB) 6865 o ang “Crushing COVID 19 Act” na iniakda ni dating Health Secretary at ngayo’y 1st District Iloilo Rep. Jeanette Garin nitong Huwebes ng gabi.
Sa botong 240 pabor at isang hindi pabor, inaprubahan sa Kamara ang HB 6865 na may 80 mambabatas na nagsilbing co-authors.
Sa nasabing panukalang batas, imomobilisa ang Department of Health (DOH) para magsagawa ng “massive testing program”.
Sa kasalukuyang sistema ng DOH, tanging may sintomas lamang na pasyente ang isinasailalim nito sa PCR (Polymerase Chain Reaction) tests.
Sa ilalim ng HB 6865, nagkakaloob ito ng libreng PCR o Baseline PCR testing sa COVID-19 sa mga VMS (Vulnerable Members of the Society).
- Latest