^

Police Metro

Makati drug bust: 3 ‘tulak’ timbog

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang mga “tulak” ng ipinagbabawal na droga ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District, Makati Police Station at Southern Police District matapos masamsaman ng mahigit P2-milyong halaga ng shabu, sa buy-bust operation sa Brgy. Rizal, Makati City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Lt. Colonel Bernouli Abalos, kinilala ang mga nasakote na sina Angel Maris Bueno, 31- anyos, ng No. 194, FC Cruz St. Pateros; Maria Aira Caamic, 40, ng Block 132 Lot 10, Fortune Ext., Bgy. Rizal, Quezon City; at Norberto Ortiz, 43, ng Block 39, MH Del Pilar St., Bgy. Makati, Quezon City.

Nakatakas naman ang isa pang target ng operas­yon na si Prescillas Val, 39, ng Makati City.

Nag-ugat ang operas­yon sa naibigay na tip ng confidential informant ng Kamuning Police Station hinggil sa bigtime drug trafficking ng isang alyas “Gelle” sa Brgy. Rizal, Makati City.

Matapos makipag-ugnayan sa pulisya, agad na ikinasa ang buy-bust kung saan isang poseur-buyer ang nakipagkita sa mga suspek para sa P300.000 na binibiling shabu.

Nang magkaabutan ng droga at marked money ay dito dinakma ang tatlong suspek habang sa gitna ng operasyon ay nakatakas si Viray.

Nasamsam sa mga suspek ang walong malalaking plastic bag ng shabu; anim na medium size heat sealed shabu na may kabuuang 300 gramo at nagkakaha­laga ng P2,040,000, marked money na P1,000 ge­nuine bill at P299,000 boodle mo­ney;  isang paper bag na may nakasulat na Happy Birthday; isang cellphone box; isang Android cellphone at isang analogue cellphone.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with