^

Police Metro

Duterte muling sinalag si Duque sa mga senador

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque kaugnay sa mga akusasyon sa kanya ng mga Senador na overpri-cing na medical equipment at COVID-19 test kits.

Ayon sa Pangulo na maghintay na lamang ang mga senador ng official na report sa bidding ng equipment na ginamit ng gobyerno laban sa COVID-19.

“Wag ho kayo maniwala, ako na ‘yung nagsasabi sa inyo. ‘Yung mga test-test, ‘yung sabi nila they drag the name of Secretary Duque, hindi ho totoo ‘yun. Ang nagbili nu’n ang Budget pati ‘yung Office of the President mismo,” ayon kay Duterte.

Pagtatangol pa niya, ang mga nasabing bidder na nag-alok ng mababang presyo ay hindi umano sumali sa bidding.

Magugunita na no­ong nakaraang linggo ay nagisa sa pagdinig ng Senado nina Senador Panfilo Lacson at Senate Minority Leader Franklin Drilon si Duque kaugnay sa umano’y overpriced na COVID-19 test kits.

Giit ng Pangulo, hindi dapat maniwala sa mga akusasyon at sa halip ay dapat maghintay na lamang ng official report  mula sa kanyang tanggapan bilang respeto.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with