^

Police Metro

P430K na shabu nasamsam sa retiradong sundalo

Raymund Catindig, Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakumpiska ang nasa higit P430,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang dating sundalo sa bayan ng Solana, Caga­yan kamakalawa.

Ayon sa lokal na Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakatanggap sila ng im­pormasyon na may magbibiyahe ng ilegal na droga sa lalawigan galing Maynila kaya nagkasa sila ng operasyon.

Naharang umano ang sasakyang minamaneho ng 48-anyos na suspek na si Ricardo Cabalza Jr., isang negosyante at dating sundalo sa bahagi ng Brgy. Maddarulug pasado alas-3:00 ng madaling araw. Nakuha sa suspek ang nasa 63 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P430,348.20.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nakatalaga noon sa Mindanao bago ito nagretiro noong 2010.

Sa parehong araw rin nadakip sa drug buy-bust operation ang mag-utol na sina John Steven Solomero, 27, at Steve Jr., 22, na nakuhanan ng 14 sachet ng shabu sa kanilang lugar sa Brgy. Guibang,  Gamu, Isabela.

Nabatid na kalalabas lang ng kulungan ni John Steven sa kasong droga matapos maaresto noong 2016 kasama ang tatlong babae sa kanyang bahay habang nagsasagawa ng pot session.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with