^

Police Metro

Nag-alok sa ulo ni Duterte na P200 milyon dinampot sa Nueva Ecija

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinampot ng mga otoridad ang isang 19 anyos na binata na umano’y nag-alok ng P200 milyon para sa ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang bahay sa Sitio Dilain, Brgy. Abar 2nd, San Jose City, Nueva Ecija noong Martes.

Sinabi ni Lt. Colonel Heryl Bruno,  hepe ng San Jose City Police Station na sinampahan nila ng kasong Inciting to sedition at violation of RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang suspek na si Fernando Dandan Jr.

Ang kaso ni Dandan ay nag-ugat sa kanyang social media post noong Mayo 16 na nagsabing dalhin sa kanyang bahay ang ulo ng pangulo kapag matagumpay itong mapapatay upang makubra ang nakakalula nitong pabuya na P200 milyon.

Agad na tinukoy nang otoridad ang dampa ni Dandan matapos siyang isuplong ng mga netizens at dinala sa himpilan ng pulisya na parang maamong tupa.

Naunang nanawagan ang Malacañang na iwasan gawing katuwaan ang pagpapakalat ng pagbabanta sa mga opisyal ng pamahalaan sa gitna ng malaking suliraning kinakaharap ng bansa sa pagtugon ng krisis dulot ng pagkalat ng COVID-19.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with