^

Police Metro

Ginang na bagong panganak, nagpositibo sa virus

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang ginang na bagong panganak sa Ospital ng Malabon ang nagpositibo sa COVID-19 kung kaya’t pansamantala munang ­isinara ang ­operasyon ng ospital.

Ito ang inanunsiyo ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta matapos na isailalim ng mga health workers sa rapid testing ang pasyente mula sa Barangay 12 Caloocan City.

Ayon kay Oreta, hindi  umano umamin habang ini-interview sa OSMAL ang pasyente na ang kanilang barangay ay naka-complete lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19 at may possible exposure siya sa virus.

Nagpasiya na lamang ang mga health workers na suriin ang pasyente hanggang nalaman na positive ito.

Sinabi ni Oreta na ang City Legal ay nasa proseso ng pagfi-file ng kaso sa naturang pasyente para sa violation of Section 9 of R.A. 11332.

Magsasagawa na rin ng disinfection, contact tracing at testing para sa mga posibleng nakahalubilo ng pasyente sa loob ng ospital.

Muling magbabalik ang full operation ng OSMAL sa Lunes, May 25.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with