^

Police Metro

Magpinsan dinakip sa rape

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang magpinsan dahil sa umano’y panghahalay sa isang dalaga na nalasing sa kanilang pag-iinuman sa Villamor, Pasay City kahapon ng madaling araw.

Ang magpinsang suspek ay kinilalang sina Kevin Cayunda at Troy Cardino, kapwa 20-anyos, data programmer at residente ng P13 10th-3rd Street, Barangay 183, Villamor, Pasay City.

Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Tina, 21-anyos, kitchen helper ng Pasay City,  nag-iinuman sila ni Troy kasama ang dalawa pang babae sa Dela Cruz Compound sa 17th-2nd Street, Barangay 183, Pasay City nang sabihan siya nito na samahan na bibili lang ng alak.

Nagtataka si Tina na hindi sila nagtungo sa tindahan at sa halip ay dinala siya ni Troy sa bahay kung saan naroon si Kevin at iniwan siya. Habang sila na lang ni Kevin ang naroroon ay sapilitang ipinasok siya sa banyo at doon hinalay. Nang mahalay ay pinakawalan siya ni Kevin at nagtungo naman ang biktima sa barangay at isinumbong ang magpinsan at inaresto.

vuukle comment

DAKIP

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with