^

Police Metro

Gov. Remulla nagbabala na ibabalik ang ECQ sa Cavite

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabala si Cavite Governor Jonvic Remulla na maaaring ikonsidera niya na muling pairalin ang enhanced community quarantine (ECQ) depende kung tataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Ang babalang ito ni Remulla ay nang magulat siya sa pagdagsa ng kanyang mga kababayan sa mga mall sa unang araw nang pag-iral ng general community quarantine (GCQ) sa kanilang lalawigan.

Sa kanyang Facebook post, puna ng opisyal na tila “back to normal” ang naging tingin ng marami sa kanyang mga kababayan sa GCQ.

“Ang dami nagdagsaan sa mga mall at iba pang lugar na tingin nila ‘back to normal’ na. Sa ganyan ugali ay baka higpitan ko muli ang ikot ng tao, restricted to those essential only. Pag-aaralan ko po, depende kung tumaas bigla ang bilang ng COVID-19 (coronavirus disease 2019) sa Cavite,” ang post ni Remulla sa kanyang FB account.

Umapela siya na huwag abusuhin ang GCQ para maiwasan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.

Sinabi rin ni Remu­lla na nakipag-usap na siya kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas at napagkasunduan nila na ang mga trabahador sa kanilang probinsiya ay maaaring tumawid para pumasok sa trabaho.

Aniya, kailangan lang ipakita ng mga tatawid na trabahador ang kanilang company ID.

vuukle comment

JONVIC REMULLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with