^

Police Metro

Kamara: Makakabangon ang ekonomiya ng Pinas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binabalangkas ng Ma­babang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang “Economic Stimulus Act” upang maibangon ang ekonomiya ng bansa mula sa matinding epekto ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda at sa nasabing panukala bilang House Economic Stimulus Response Cluster co-chairman ay kanyang inilahad ang matibay na ‘structural response’ at mga reporma na magpapatatag sa tiwala ng mga  negosyo, manggagawa at ng mga mamayan sa kanilang hinaharap.

Ang layunin ng economic stimulus version ni Salceda ay mapanatili ang katatagan ng lahat, tulu-ngan ang mga kompanya, iahon ang ekonomiya sa matinding epekto dulot ng pandaigdigang mga lockdown at ibalik ang mga manggagawa sa kanilang mga trabaho.

Ang panukala ay bahagi ng Philippine Economic Stimulus Act (PESA) na isusulong ng House Stimu­lus Response Cluster, na inaasahang tutugon sa pagbangon ng ekonomiya pagkatapos luwagan ang enhanced community quarantine (ECQ) mula ngayong Mayo 2020 hanggang sa magkaroon ng mabisang gamot sa COVID-19 na ina­asahang magkakaroon ng katuparan sa 2023.

Idinagdag pa nito kung walang mass testing ay isusulong din ang “modified community quarantine” o MCQ kung saan magsisibalikan na sa mga trabaho ng mga manggagawa mula 23%-50% pero hindi maiiwasang mananati-ling balutin ng takot ang tiwala ng negosyo saka ng bayan na maaaring muling dumating ang ikalawang daluyong ng “virus” at muling ibalik ng pamahalaan ang mga “lockdown” na hindi na makakayanan ng ekono­miya at pamahalaan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with