^

Police Metro

ABS-CBN, walang intensiyong ipasara ng Kongreso

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Ca­yetano na walang intensyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasara ang ABS-CBN network na tatlong araw na lang ang mapaso ang prangkisa nito.

Ito ay sa gitna na rin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang mga piling lugar sa bansa partikular na sa Metro Manila bunga ng krisis sa kalusugan dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nakabimbin pa sa Mababang Kapulungan ang 11 panukalang batas para sa extension ng karagdagan pang 25 taon sa prangkisa ng ABS-CBN  na mage-expire na sa Mayo 4 o sa pagbubukas muli ng ­sesyon.

Sinabi ni Cayetano, iginagarantiya niya ang patas na pagdinig sa prangkisa ng higanteng television network, pero iginiit na karapatan ng mga nagrereklamo na ibigay ang kanilang panig kung sa tingin nila ay nagamit sa pulitika ang ABS-CBN partikular na noong nakalipas na 2016 presidential election sa bansa.

Ang 11 panukalang batas para sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN ay nakabimbin sa House Committee on Legislative Franchises simula pa noong Agosto 2019 kung saan ang panel ay nagsagawa ng inisyal na pagdinig dito noong Marso 10. 

vuukle comment

ABS-CBN

ALAN PETER CA­YETANO

KONGRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with