^

Police Metro

BJMP personnel sa Las Piñas City Jail isinalang sa swab test

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para matiyak at hindi matulad sa ibang jail facilities sa Metro Manila na napasok na ng virus ay isinailalim kahapon sa swab testing ang lahat ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakatalaga sa Las Piñas City Jail.

Sinabi ni  Las Pinas City Mayor Mel Aguilar na prayoridad niya na tiyakin ang seguridad pang­kalusugan ng mga frontli-ners sa lungsod maliban pa ang food security at peace and order sa kanyang mga nasasakupan ngayong panahon ng krisis dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dakong alas-9:00 ng umaga nang isailalim sa swab testing ang 22 BJMP personnel sa pamamagitan ng pagkuha ng mucus sample sa ilong at lalamu­nan sa pangangasiwa ni Dr. Rosarie Oca.

Ang mga swab samples ng BJMP personnel ay dadalhin naman sa Philippine Red Cross (PRC) para doon suriin kung positibo o negatibo ang mga ito sa COVID-19.

vuukle comment

SWAB TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with