^

Police Metro

4 timbog sa overpriced face mask, alcohol

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto sa magkahiwalay na raid ang apat katao na nagbabenta ng overpriced na face mask at alchol sa Quezon City at Valenzuela City.

Unang nadakip sina Adam Marangca, 38, ahente ng no. 2835 Cabrera St., Barangay San Roque, Pasay City; at Renalyn Lim, supplier, 31, ng No. 60-B Piazza De Venecia St., Brgy.  BF Resort Village, Las Piñas City.

Sa ulat, alas-11:30 ng umaga ng Martes (Abril 14) nang arestuhin sina Marangca at Lim sa harapan ng Sto. Domingo Church, sa Quezon Avenue, Brgy .Tatalon, Quezon City sa aktuwal na pagbebenta ng bulto ng KN95 facemask, na una nang inorder sa online.

Nang nagpalitan na ng produkto at bayad na P96,000, gamit ang boodle money na P95,000 at isang genuine P1,000 bill ay inaresto ang da­lawa, kung saan nakumpiskahan pa sila ng nasa 2,000 piraso ng KN95 masks na may market value na P588,000.00 at gamit na Nissan X-trail (VS 9445).

Alas-4:30 ng hapon nang madakip din sa entrapment operation ng mga otoridad sa 102 Gulod St., Brgy. Bignay, Valenzuela City ang magkapatid na sina Edgardo, 32, sales marketing agent; at Ma. Luisa Cabreles, kapwa residente ng Cluster IV, Gulod St., Disiplina Village, Bignay, Valen­zuela sa pagbebenta ng 60 galon sa halagang P36,000.

Ibinebenta ng P600 ang bawat galon gayung P520 lang ang retail price nito, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Nakumpiska rin sa magkapatid ang 153 galon ng Isoprophyl Alcohol  na nagkakahalaga ng P79,560.

Kinasuhan ang apat na paglabag sa R.A. 7581 o Price Act at PRRD Proclamation No.922 o State of Public Health Emergency.

vuukle comment

ALCOHOL

FACEMASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with