COVID-19 testing sa mga may sintomas sa Maynila, sinimulan na
MANILA, Philippines — Inumpisahan na kahapon ang pagsasagawa ng COVID-19 testing sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office, mayroon nang 934 na pasyente na nakuhanan ng swab samples at ginawa ang mga tests sa mga pasilidad sa Sta. Ana Hospital/MIDCC, 451 tests; MHD, 190 tests; Ospital ng Maynila, 106 tests; Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, 55 tests; Ospital ng Tondo, 30 tests; Ospital ng Sampaloc, 44 tests at Justice Jose Abad Santos General Hospital, 40 tests.
Layunin ng COVID testing na mapigil ang mabilis na pagkalat ng sakit sa lungsod dahil napakahalaga sa Manila City government na agad ma-isolate ang mga suspected cases.
Kaya umano ng mga pagamutan na magsaga-wa ng 232 COVID-19 swab tests kada araw o 1,624 kada linggo at lahat ng swab tests ay ipo-proseso ng Research Institute for Tropical Medicine (DOH-RITM) o ng University of the Philippines Philippine General Hospital (UP-PGH) na kaya umanong mailabas ang resulta ng mga tests sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.
- Latest