^

Police Metro

420K OFWs na uuwi sa bansa ikukuwarantina

Joy Cantos - Pang-masa
420K OFWs na uuwi sa bansa ikukuwarantina
Umalalay ang isang quarantine supervisor ng Department of Health sa paglilikas ng ilang mga overseas Filipino worker na pinauwi sa Pilipinas sa isang hotel sa San Marcelino St., Manila para sa ilang araw nilang kuwarantina bago sila payagang makauwi sa kani-kanilang tahanan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nakatakdang ikuwarantina ng pamahalaan ang nasa 420,000 overseas Filipino workers na nakatakdang umuwi sa  Pilipinas sa susunod na anim na buwan dahil sa pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID) 19 sa mga bansa na kanilang pinapasukan.

Kaya  inirekomenda ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na paghandaan na ng pamahalaan ang pag-uwi sa bansa ng nasabing mga OFW upang maiwasan ang second wave ng epidemya sa bansa dahil ang mga ito ay mula sa mga bansang grabeng naapektuhan ng pandemic na virus.

Anya, ang Bayanihan Act  ay may P20 bilyong pondo para sa mga programa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Labor and Employment para sa mga OFWs.

Inihayag rin ni Salceda na ang pinakamatinding epekto ng COVID 19 ay ang matinding hagupit nito sa ekonomiya, kawalan ng trabaho at remittance na abot sa P5 bilyon kada taon.

Ang 420,000 OFWs ay uuwi na sa bansa sa loob ng anim na buwan at ang 170,000 hanggang 180,000 sa mga ito ay pansamantala lamang mananatili sa Pilipinas dahil sa mga kaganapang dulot ng COVID 19 at kapag walang ipapakain sa sarili at pamilya ay hahanap ng paraan ang mga ito na lumabas ng quarantine kaysa mamatay sa gutom.

Ang mga OFW ay pauuwiin rin sa kanilang mga tahanan at  aalertuhin ang lokal na pulisya  hanggang sa barangay upang tiyakin na nasusunod ang 14 araw na quarantine kung saan ang mga ito ay Person Under Monitoring (PUM).

vuukle comment

OFW

QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with