^

Police Metro

500 bahay naabo, 3-libong pamilya natulog sa kalye

Cristina Timbang - Pang-masa

Sa kasagsagan ng ECQ, social distancing

CAVITE, Philippines — Sa kabila ng painiiral na enhance community quarantine (ECQ) at social distancing ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic, sa labas na lamang ng kanilang tahanan natulog ang may isang libong pamilya matapos na sumiklab ang sunog sa 500 kabahayan sa Bacoor City kahapon. 

Sa ulat ng pulisya, kanya-kanyang salba ng kanilang miyembro ng pamilya at gamit ang mga residente sa Sitio Wawa Uno, Brgy. Zapote 5, Bacoor City nang magsimulang masunog ang mga kabahayan kahapon ng madaling araw.

 Dahil dito, tuluyang nabalewala ang pagpapatupad ng social distancing sa nasabing lugar matapos magkagulo ang mga residente dito at unahang makalabas ng kanilang mga tahanan upang maligtas sa naglalagablab na apoy. 

Lumalabas sa imbestigasyon na overloading ng kuryente ang hinihinalang sanhi ng sunog dahil sa pagtaas ng konsumo sa mga bahay matapos ipatupad ang extreme enhanced community quarantine sa Bacoor laban sa COVID-19. 

Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa nasabing sunog.

Sa kasalukuyan ay nasa tabing kalsada lamang pansamantalang naninirahan ang mga nasunugan.

vuukle comment

COVID-19

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with