^

Police Metro

Parak sinuwag ng SUV sa checkpoint, sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ang isang 37-anyos na motorista nang mabangga nito ang isang pulis na kabilang sa nagsasagawa ng checkpoint kaugnay sa Enhanced Community Quarantine sa Espana, Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Chinese General Hospital ang biktimang si P/Corporal Charlton Jay Estavillo, imbestigador ng Manila Police District-Station 4 bunsod ng pinsalang tinamo sa katawan.

Pinipigil naman sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng Toyota Vios 2013 (URO143)  na si Philip Anthony Ipapo ng 2811 South Tower La Verti Residences, Brgy. San Isidro, Pasay City.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang pagkakabangga sa pulis sa panulukan ng España at Blumentritt, Sampaloc. Habang kumukuha ng temperature sa mga dumaraang motorista ang grupo ng Sampaloc Police nang biglang bumagsak ang biktima nang mahagip ng Toyota Vios na patungo sa Quiapo.

Hindi umano napansin ng driver ang biktima gayung maliwanag o well lighted naman umano ang lugar.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with