^

Police Metro

Sabi ng palasyo bawal ang tricycle

Malou Escudero - Pang-masa
Sabi ng palasyo bawal ang tricycle
Sinabi ni Nograles na masyadong maliit ang tricyle at hindi masusunod ang social distancing o isang metrong pagitan ng driver at pasahero. Maaa­ring gamitin ng mga LGUs ang ibang uri ng sasakyan katulad ng jeep o multi-cabs.
STAR/Miguel de Guzman/File

MANILA, Philippines — Muling ipinaalala ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases spokesperson Karlo Nograles sa mga local government units na bawal ang paggamit ng mga tricycle  para isakay ang mga health workers habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon.

Sinabi ni Nograles na masyadong maliit ang tricyle at hindi masusunod ang social distancing o isang metrong pagitan ng driver at pasahero. Maaa­ring gamitin ng mga LGUs ang ibang uri ng sasakyan katulad ng jeep o multi-cabs.

Layunin ng pinaigting na community quarantine na mapanatili sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga mamamayan upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng mga may COVID-19.

Nilinaw din ni Nograles na hindi nila layunin na pahirapan ang mga mamamayan sa pagbabawal sa paggamit ng tricyle kundi para mabigyan ng proteksiyon ang mga mamamayan.

vuukle comment

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with