^

Police Metro

Sen. Go: Kalma lang tayo!

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon sa publiko si Senator Bong Go na maging kalmado sa kabila ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng National Health Emergengy at ‘Code Red Level 1’ ng Department of Health (DOH) dahil COVID-19.

Ang paghikayat ni Go ay kanyang ginawa makaraang makumpirma na anim na Pinoy sa bansa ang dinapunan ng COVID-19.

Si Go, na Chairman ng Senate Committee on Health, katuwang ang DOH ay nagrekomenda at humiling sa Pangulong Duterte na magdeklara ng National Health Emergency na kinatigan naman ng punong ehekutibo.

Anya, hindi dapat magpanic ang publiko dahil ginagawa naman ng DOH at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang hindi na lumala at kumalat pa sa ibang panig ng bansa ang nasabing virus.

“Huwag din po tayong magpanic buying dahil yung makikita sa inyo ay baka gumaya na rin sa inyo ang iba at ang resulta ay ubos ang laman ng mga tindahan” dagdag pa ni Go.

Ayon pa sa mambabatas, mag-ingat at maging malinis ang bawat isa para hindi kapitan ng nasabing virus.

vuukle comment

SEN. GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with