^

Police Metro

Engineer nagutay sa sumabog na vintage bomb

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagutay ang katawan ng isang engineer nang masabugan ng vintage bomb na kanyang nilagare kahapon ng umaga sa General Santos City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Engr. Vincent Claus Degula, 40, tubong Cebu City at nangupahan sa Purok Hechanova, Barangay Poblacion Polomolok South Cotabato.

Sa ulat, bago naganap ang pagsabog, dakong alas 9:00 ng umaga sa Sitio Lamcuah, Brgy. Maligo, Polomolok ay nagtungo ang biktima sa bahay ng isang Joseph Namion kasama sina Winnie Fundar at Pastor Moises Villar at naghahanap ng lupa na kanyang bibilhin.

Tumungo ang biktima sa kanyang sasakyan at kumuha ng lagare saka nilagare ang dala nitong vintage bomb gamit ang grinder dahilan para ito ay sumambulat.

Sa lakas ng pagsabog ay agad na namatay ang biktima na halos magkahiwalay ang parte ng katawan nito habang ang dalawa nitong kasama ay tumilapon ng ilang metro at nagkapasa-pasa ang katawan.

Ayon sa dalawang kasama ng biktima na naniniwala ang biktima na may lamang ginto ang bomba kaya pinagkainteresan nitong buksan na naging sanhi ng pagsabog.

vuukle comment

VINTAGE BOMB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with