^

Police Metro

2 pusher dedo sa drug bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa isi­nagawang buy-bust ope­ration sa Barangay Pob­lacion East II, sa bayan ng Aliaga, Nueva Ecija, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang dalawang napatay na drug suspect na sina Joseph Mateo at Cris Franco Sanopo, kapwa nasa legal na edad at residente ng Barangay Aduas, Cabanatuan City.

Ayon sa Aliaga Police, bandang alas-2:07 ng madaling-araw nang isagawa ang ang drug buy-bust operation laban sa dalawang suspek at nang magpalitan na ng “items” ay biglang nakahalata ang dalawang suspek at tinulak umano ang dalawang pulis na kanilang ka-transaksyon at bumunot ng baril na kalibre .38 at pinaputukan ngunit sumablay.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang dalawang drug dealer na kinumpirma ng Cabanatuan City Police na kabilang sa kanilang drug watchlist.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with