Top 2 most wanted sa Aklan, huli sa Quezon City
MANILA, Philippines — Nalambat ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaking itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa Batan, Aklan dahil sa kinakaharap na mga kasong murder.
Batay sa ulat ng Novaliches Police Station 4 (PS-4) ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-6:30 ng gabi kamakalawa nang maaresto ng kanilang mga tauhan ang suspek na si Louie Alejandro, alyas ‘Bogrong,’ 31, helper, tubong Aklan, at residente ng Riverside Street, California Village, Brgy. San Bartolome, Novaliches.
Nabatid na ang suspek ay inaresto nang pinagsanib na puwersa ng QCPD-PS 4 at Aklan Police Provincial Office (PPO) PRO6, sa West Los Angeles, California Village, Brgy. San Bartolome, Novaliches matapos na makatanggap ng tip hinggil sa kinaroroonan nito.
Armado ang mga pulis ng dalawang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ronaldo Eximundo, Presiding Judge ng Kalibo, Aklan Regional Trial Court Branch 4, 6th Judicial Region, at 9th Judicial Region, Branch 7, dahil sa kasong murder, nang arestuhin ang suspek na hindi na nakapalag pa nang posasan ng mga awtoridad.
- Latest