^

Police Metro

Quezon City fire: Mag-asawang matanda patay

Mer Layson - Pang-masa
Quezon City fire: Mag-asawang matanda patay
Ayon kay QC-BFP F/Inps. Marvin Mari, marahil ay inakala ng mag-asawa na ligtas sila sa loob ng banyo kaya roon sila nagtago noong nasusunog ang kanilang bahay.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Namatay ang isang mag-asawang senior citizen nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Fairview, Quezon City.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Crisencio, 66; at Salvacion Catig, 63, kapwa nakatira sa Block 11, Lot 16, Neptune Street, Phase 3, North Olympus, Barangay Kaligayahan, Fairview, Quezon City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, naganap ang sunog dakong alas-4:10 ng madaling araw sa mismong pintuan ng bahay ng mag-asawa kung kaya’t hindi na nagawa pang makalabas ang mga ito.

Tumagal lamang ng 30 minuto ang sunog na itinaas sa unang alarma at idineklarang fireout dakong alas-4:40 ng madaling araw.

Nang maapula ang apoy ay natagpuan ang sunog na bangkay ng mag-asawa sa loob ng kanilang banyo.

Ayon kay QC-BFP F/Inps. Marvin Mari, marahil ay inakala ng mag-asawa na ligtas sila sa loob ng banyo kaya roon sila nagtago noong nasusunog ang kanilang bahay.

Anya, walang tiyansa na mabuhay ang isang indibidwal na magtatago sa banyo kapag nasusunog ang kanilang bahay dahil sa suffocation sa usok kung hindi man tuluyang maaabo.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with