^

Police Metro

Solon pinatututukan ang paglala ng prostitusyon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinikayat ni ACT-CIS partylist Cong. Eric Go Yap ang mga otoridad na tutukan ang lumalalang problema sa prostitusyon na karamihan ay mga tra­bahador ng Philippine offshore gaming operators (POGO) ang parukyano.

Nabahala si Cong. Yap dahil noong Huwebes ay 13 babae — kabilang ang tatlong Chinese nationals­ — ang nasagip ng mga otoridad sa isang prostitution den sa Makati City.

Ayon sa report, may website ang naturang prostitution den at tanging mga Chinese customers lamang ang pinapayagang makipag-transaksyon dito.

Anya, naging talamak ang prostitusyon simula nang magsulputan ang mga POGO sa bansa at dumami ang mga Chinese workers.

Karamihan umano sa mga inaalok na mga babae sa online ay mga Chinese, Vietnamese, Thailand nationals, at maging mga Russian.

Pahayag pa ng mam­babatas, nababahala siya sa posibleng pagkalat ng nakakahawang sakit, sa­ka­ling magpatuloy at lumala ang prostitution sa mga POGO sa bansa.

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with