^

Police Metro

Tinedyer tiklo sa droga

Cristina Timbang - Pang-masa
Tinedyer tiklo sa droga
Ang nasakoteng suspek ay si Saipodin Sakal, 17, tubong Mindanao, at residente ng Brgy Sta. Lucia Dasmariñas City, Cavite.
File

MANILA, Philippines — Sa kulungan magba-Bagong Taon ang isang Grade 12 student matapos masakote ng mga otoridad at makumpiskahan ng higit sa P.6-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Ang nasakoteng suspek ay si Saipodin Sakal, 17, tubong Mindanao, at residente ng Brgy Sta. Lucia Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang ikasa ang operasyon laban sa suspek.

Isang pulis ang tumayong buyer at nakipag-transact sa batang suspek kung saan bumili ito ng shabu.

Sa aktong nagkaabutan na ng buy-bust mo­ney at shabu ay rito na agad dinakma ang suspek ng mga nakaabang na pulis kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang nasa 100 gramo ng shabu na may street value ng P680,000.

Nakatakda nang sam­pahan ng pulisya ng kaukulang kaso ang batang suspek.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with