^

Police Metro

5 todas sa lindol, 49 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa
5 todas sa lindol, 49 sugatan
Unang narekober kamakalawa ng dalawang bangkay sa gumuhong establisyimento at kahapon ng umaga ay tatlo pang bangkay ang narekober na kinilalang sina Elsa Ababon, Evangeline Artiaga at isang inaalam pa ang pangalan.
AFP

MANILA, Philippines — Lima na ang naitalang nasawi habang 49 ang nasugatan makaraang gumuho ang isang 3 storey grocery store sa Matanao, Davao del Sur sanhi ng 6.9 magnitude ng lindol kamakalawa.

Unang narekober kamakalawa ng dalawang bangkay sa gumuhong establisyimento at kahapon ng umaga ay tatlo pang bangkay ang narekober na kinilalang sina Elsa Ababon, Evangeline Artiaga at isang inaalam pa ang pangalan.

Magugunita na kamakalawa ng alas-5:00 ng hapon ng tumama ang lindol sa Matanao, Davao del Sur na naramdaman sa Region 11 at 12 partikular na sa mga bayan ng Matanao, Padada, Magsaysay at Bansalan, Davao del Sur; Kidapawan City, Tulunan at Matalam sa North Cotabato; Cotabato City; Davao City; General Santos City at Alabel at Malapatan; Sarangani.

Patuloy ang search and rescue operation sa Southern Trade Store sa bayan ng Padada sa pagasang ma­karekober pa ng mga survivor sa trahedya.

Sa kasalukuyan ay hindi pa matiyak kung ilan pa ang posibleng na-trap sa nasabing gumuhong grocery store.

Kabilang sa mga bumigay na gusali ay ang municipal hall ng Magsaysay, Davao del Sur at pamilihang bayan sa Malandang, Cotabato City sa pagyanig ng lindol sa Regions 11 at 12 at marami pang iba.

Sinabi naman ni Natio­nal Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal, ito ang ikaapat na pagyanig ng lupa na tumama sa Davao at Cotabato ngayong taon kung saan ang Tulunan, Cotabato ang naging sentro.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with