^

Police Metro

PCSO GM ipapatawag ng kongreso

Pang-masa
PCSO GM ipapatawag ng kongreso
Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, Chairman ng Committee on Games, nais nilang malaman kung saan kumuha ng autho­rity si Garma para muling buksan ang Peryahan ng Bayan na may utang pa sa PCSO.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakatakdang ipata­wag ng Committee on Games and Amusement ng Kongreso si PCSO Ge­neral Manager Royina Garma para hingin ang kanyang paliwanag kung bakit pinayagan nito na muling mag-operate ang Peryahan ng Bayan.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, Chairman ng Committee on Games, nais nilang malaman kung saan kumuha ng autho­rity si Garma para muling buksan ang Peryahan ng Bayan na may utang pa sa PCSO.

“Magugulo lang ang mga palaro ng PCSO dahil may STL na, tapos may peryahan pa. Pareho lang ang konsepto ng kanilang laro,” wika ni Yap.

Sinabi ni Cong. Yap, bubuksan ang inquiry sa December 17, 2019 kasama ang lahat ng miyembro ng Committee on Games.

Sa rekord na nakuha ng ACT-CIS mula mismo sa PCSO, mas malaki ang binabayad na revenue ng STL kaysa sa Peryahan.

“Halimbawa na lang sa Pangasinan, P38 mil­yon ang nireremit ng STL sa PCSO habang ang Per­yahan ay P1.5 milyon lang sa isang buwan. Malinaw na ang may-ari lang ng Peryahan ang kumikita,” pahayag pa ni Cong. Yap.

Nais marinig ng Kongreso ang dahilan ni Garma para buksan muli ang Peryahan ng Bayan.

vuukle comment

ROYINA GARMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with