^

Police Metro

Mag-ama todas sa motor

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mag-ama ang nasawi habang ang kanyang misis, anak at kaibigan ay malubhang nasugatan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa  bayan ng Quezon, Isabela kahapon ng madaling araw.

Ang mag-amang nasawi ay kinilalang sina Elea­zar Hibaya, 37, at anak na si Nico, mga tubong Catarman, Samar at pansamantalang naninirahan sa Barangay Agbannwag, Tabuk City, Kalinga.

Habang nasugatan ang misis nitong si Jill Hibaya at anak na si Nick Nick, at isa pang kaibigan na nakilalang si Albert Ocay, 29, ng Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang aksidente, ala-1:30 ng madaling araw ay sakay ang limang biktima sa motorsiklo na minamaneho ni Eleazer nang sumalpok ito sa isang Izusu Elf na nakaparada sa gilid ng highway sa Barangay Alunan, Quezon, Isabela.

Bago magtanghali ay sinimulan ng padre-de- pa­milya ang pagtungga ng alak sa Tabuk City at pagkatapos ay nagtungo sila kasama ang pamilya at kaibigan sa bayan ng Aurora, Isabela at dito ipinagpatuloy ang kanyang pag-inom sa isang lamayan.

Hinala ng pulisya, na inantok si Eleazar dala ng nainom na alak kung kaya’t hindi napansin ang nakaparadang elf trak sa gilid ng highway.

vuukle comment

ELEA­ZAR HIBAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with