^

Police Metro

Trike hulog sa creek: Ginang todas, 4 sugatan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 28-anyos na misis habang apat pa niyang kapamilya ang sugatan nang mawalan ng preno at mahulog ang sinasakyan nilang tricycle sa isang creek sa Antipolo City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Bernadette Candelaria, 28, habang sugatan at ginagamot na ang mag-amang sina Anthony Candelaria, Jr., 1; at Anthony Candelaria Sr., 38; pawang residente ng Sunta Ville, Barangay San Isidro; Ana Candelaria, 31; at Yousef Alotaibi, 43, kapwa naman nakatira sa Barangay Cupang, Antipolo City.

Sa ulat ng Antipolo City Police Station, bago naganap ang aksidente, alas-4:30 ng hapon sa aksidente sa Upheco Road, Barangay San Luis ay sakay ang mga biktima ng pulang tricycle (QW 3982) na minamaneho ng isa sa mga nasuga­tan nang bigla na lang nawalan ng preno ang sasakyan at nahulog sa creek.

vuukle comment

BERNADETTE CANDELARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with