^

Police Metro

P6.8 milyong shabu sa tea bag, nasabat

Danilo Garcia - Pang-masa
P6.8 milyong shabu sa tea bag, nasabat
Kinilala ang nadakip na suspek na si Bayan Ibrahim, 32, nakatira sa No. 10 C Ninoy Aquino Avenue, Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.
File

MANILA, Philippines — Isang 32-anyos na lalaki ang naaresto sa isang drug buy-bust operation kamakalawa at nasamsam sa kanya ng mga otoridad ang nasa P6.8 milyong halaga ng shabu na inilagay sa isang tea bag sa Parañaque City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Bayan Ibrahim, 32, nakatira sa No. 10 C Ninoy Aquino Avenue, Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.

Nabatid na unang nakipag-ugnayan sa Parañaque City Police ang Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police upang magkasa ng isang ope­rasyon sa kanilang area kaugnay ng hinahabol nilang big-time drug pusher na natukoy nila sa kanilang unang mga operasyon.

Bumuo ng grupo ang dalawang istasyon ng pulisya at ikinasa ang buy-bust sa may Russia Street sa Brgy. Don Bosco dakong ala-1:30 ng hapon at nang tanggapin ang marked money sa police poseur buyer ay hindi na nakapalag ang suspek nang palibutan siya ng mga armadong pulis at inaresto.

Nakumpiska sa suspek ang isang malaking tea bag na may tatak na “Refined Chinese Tea” na nang buksan ng mga pulis ay tumambad ang humigit-kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P6.8 milyon. limang geniune na tig-P1,000 marked money na inihalo sa 95 pirasong boodle money na ginamit sa operasyon, isang puting Toyota Vios (ABH 9953) at isang cellular phone na gamit ng suspek sa pakikipagtransaksyon. 

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with