^

Police Metro

2 drug pusher tiklo sa P36-M shabu

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa
2 drug pusher tiklo sa P36-M shabu
Naaresto ng mga otoridad ang dalawang lalaking ito sa isang buy-bust operation at nasamsam sa kanila ang nasa 6 kilo ng shabu na may street value na P36 milyon kahapon sa Baclaran, Pasay City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na umano ay big time drug pusher ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Emerson Fernandez, 39, ng General Trias, Cavite at Peter Lanuza, 46, ng Brgy. San Martin de Porres, Parañaque City na kung saan ay nakumpiska sa mga ito ang 6 kilo ng high grade shabu na nagkakahalaga ng P36-M.

Sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa pamumuno ni Police Colonel Julius Mana laban sa ilegal na aktibidades ng nasabing mga suspect.

Isinagawa ang tran­saksyon sa isang sikat na fastfood chain sa kahabaan ng Roxas Boulevard ng poseur buyer ng PNP-DEG at ng mga suspect na tulak ng droga.

Ang mga suspect ay inaresto sa aktong iniaabot ang 47 malalaking plastic packages ng shabu na kinuha ng mga suspect mula sa behikulo ng mga ito na isang Toyota Camry (XAF 784 ).

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with