^

Police Metro

Barangay chairman sa Bulacan, tinodas

Omar Padilla - Pang-masa
Barangay chairman sa Bulacan, tinodas
Ang nakabulagtang bangkay ni Brgy. Lapnit Chairman Rosteo Salao ng San Ildefonso, Bulacan matapos pagbabarilin ng riding in tandem kahapon ng umaga.
Omar Padilla

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng dalawang lalaki kahapon ng umaga sa Brgy. Lapnit, San Ildefonso, Bulacan.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Rosteo Salao, 67, may-asawa at kasalukuyang Brgy. chairman ng Brgy. Lapnit, San Ildefonso, Bulacan. 

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:50 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki at malapitan itong pinagbabaril ng apat na beses sa likuran na agad nitong ikinasawi.

Inaalam pa ng mga otoridad ang tunay na motibo sa pagkakapaslang sa biktima habang kasalukuyan pa ring tinutugis ng mga pulis ang dalawang suspek.

Magugunita na iti­numba din kamakailan si Chairman Felimon Lazaro ng Brgy. Malipangpang, San Ildefonso, Bulacan na hanggang ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa katauhan ng mga suspek.

vuukle comment

ROSTEO SALAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with