^

Police Metro

Guro tinadtad ng taga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 28-anyos na guro ng public school ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Virac, Catanduanes, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Donn Carlos Bagadiong, guro sa Catanduanes National High School, miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender) community matapos na tadtarin ng taga ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:14 ng hapon kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng biktima na duguang nakabulagta sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Brgy. Valencia ng bayang ito.

Natagpuan ang isang patalim na may bahid pa ng dugo malapit sa bangkay ng biktima na pinaniniwalaang ginamit ng hindi pa kilalang suspek.

Pinaniniwalaan namang personal na kilala ng nasabing guro ang salarin kung saan isa sa sinisilip na anggulo sa krimen ay pagnanakaw.

Nag-alok nang P100,000 pabuya ang pamahalaang lalawigan ng Catanduanes para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto ng suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with