^

Police Metro

Taguig City, nanguna sa kampanya ng polio vaccine

Pang-masa
Taguig City, nanguna sa kampanya ng polio vaccine
Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang pagpatak ng libreng supplemental oral polio vaccination sa mga bata.
Edd Gumaban

MANILA, Philippines — Sa local government unit sa Metro Manila ay nanguna ang Taguig City sa pagpapatupad ng “Sabayang Patak kontra Polio” (SPV) campaign ng Department of Health (DOH).

Sa ika-11 araw ng 14-day program, nakakuha ang Taguig ng rating na 102 percent at nasungkit ang pinakamataas na puntos sa mga lungsod at munisipalidad sa Metro Manila dahil umabot sa 96,866 na residente ang nabakunahan.

Ang resulta ay dumaan sa validation ng grupo mula sa DOH at World Health Organization, na nagsagawa ng Rapid Co­verage Assessment kasunod ng pag-anunsyo ng polio outbreak sa bansa noong Sept. 19.

Kaya’t agarang pina­lakas ng Taguig City ang kampanya kontra sa nasabing sakit sa pamamagitan ng pagsagawa ng pagbabakuna sa barangay health centers at house-to-house visits.

Sa ilalim ng programa, ang mga kabataan na may edad 0-59 buwan ay binibigyan ng oral poliomyelitis (polio) vaccination upang matulungan ang kanilang pangangatawan na labanan ang virus na maaa­ring magdulot ng habang buhay na paralysis (sa mga paa at binti at mga muscle na kumokontrol sa organs sa ating paghinga) na puwedeng mauwi sa kamatayan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

POLIO VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with