^

Police Metro

Matapos bastusin ng mga tomador… Bebot pinasabog ang ulo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Matapos bastusin ng mga tomador� Bebot pinasabog ang ulo
Nasawi noon din dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Roselle Mae Opada, residente ng Hagdan Bato, Vargas Compound, ng naturang lugar.
File

MANILA, Philippines — Sabog ng ulo ng isang 26-anyos na babae matapos malapitang barilin sa ulo ng ‘di pa natutukoy na salarin habang naglalakad kasama ang live-in-partner na security guard, kasunod ng pagsusumbong na binastos umano siya ng ilang kalalakihang nag-iinuman sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nasawi noon din dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Roselle Mae Opada, residente ng Hagdan Bato, Vargas Compound, ng naturang lugar.

Sa ulat ng Police District-Station 5, dakong alas-10:45 ng gabi nang maganap ang krimen sa Railroad St., Port Area, sa likod  ng Philippine Red Cross-National Capital Region (NCR) Office.

Sa salaysay ng live-in partner ng biktima na si Saed Baguilan, 24, security guard ng Ex-Battalion Security Agency, papunta sana sila ng kanyang live-in-partner sa isang convenient store nang biglang nakarinig siya ng putok ng baril at nagulat nang bumagsak ang kasama.

Hindi umano niya akalain na ang kinakasama ang binaril at madilim umano sa lugar kaya hindi niya namukhaan ang gunman na nakasuot ng dilaw na t-shirt at sumbrero.

Una rito, kauuwi pa lamang umano ni Bagui­lan mula sa trabaho nang magsumbong ang biktima hinggil sa pambabastos ng mga nag-iinuman sa lugar.

Hinala ni Baguilan na may kinalaman ang pamamaril sa ginawa niyang pagkompronta sa grupo ng kalalakihan na nag-iinuman malapit sa isang public comfort room sa kanilang lugar na wala umanong sumagot o kumausap sa kanya kaya umuwi na lamang siya.

Naisipan namang lu­mabas upang bumili ng pagkain ng dalawa nang lingid sa kanila ay may panganib na nag-aabang.

vuukle comment

PATAY

ROSELLE MAE OPADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with