^

Police Metro

Militar natukoy na ang pinagtataguan ng kidnappers ng Hyrons couple

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit natukoy na ng tropa ng militar ang kabuuang lugar na posibleng pinagdalhan at itinago ng mga kidnaper ang bihag nilang Briton at misis nitong Pinay ay hindi muna ito ibubunyag upang hindi mabulilyaso ang search and rescue operation.

Sinabi ni AFP-Western Mindanao Command Chief Lt.Gen Cirilito Sobejana, hindi tumitigil ang tropa ng militar upang masagip ng buhay ang mga bihag na sina Allan Arthur Hyrons, 70; at Pinay nitong misis na si Wilma  Pagcalinawan.

Ang mag-asawang Hyrons ay binihag ng anim na mga armadong kalalakihan sa pag-aari nilang Hyrons Beach Resort sa bayan ng Tukuran, Zamboanga del Sur noong Oktubre 4.

Ayon sa opisyal, positibo sila na hindi pa nakakalabas ng Zamboanga del Sur ang mga kidnaper tangay ang mag-asawang bihag.

Nakatutok din sila sa kaso dahil may mga disimpormasyon na kumakalat na posibleng nasa kamay na ng bandidong Abu Sayyaf ang mag-asawang Hyrons.

vuukle comment

CIRILITO SOBEJANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with